Monday 26 May 2014

Ang Bagong Dugo - Showing on June 18 2014




Inihahandog ng 3J’S film and entertainment production ang pagbabalik ng pinoy action film na matagal na nating hindi napapanood sa mga sinehan. Isang pelikulang punong puno ng aksyon “Ang Bagong Dugo” pinagbibidahan ng isa sa pinakamahusay na aktor sa henerasyon ngayon na si Joem Bascon. Kasama rin sa pelikula ang mahuhusay na aktor na sina Mark Gil, Monsour Del Rosario, Dick Israel, Roi Vinzon, Efren Reyes, Alvin Anson, Levi Ignacio, Levi Almares, at aktres na sina Analiza Milagring Baldondo at Alma Concepcion. Ipinakikilala sina Alexis Navaro bilang leading lady ni Joem at si Ian Ignacio na isang mahusay na Martial Arts Expert. Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ng isang mahusay na stunt director na si Val Iglesias na nagkaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang mahuhusay na action star na sina Rudy Fernandez, Robin Padilla at Eddie Garcia.


Nabanggit ni Direk Val sa presscon ng pelikula ang kanyang kagustuhan na muling buhayin ang action films sa Pilipinas upang mabigyan ng ibang putahe ang mga manonood at para na rin sa mga kalalakihan na matagal ng hinahanap ang ganitong pelikula. Hindi lang basta puro aksyon ang pelikulang ito, may mga moral values din itong maituturo lalo na sa mga pamilya at tungkol sa pagpapatawad. Ang mga action scenes sa pelikulang ito ay sadyang pinag aralan mabuti at ginawang makatotohanan ngunit pinanatili pa rin ni Direk Val ang kaligtasan ng kanyang mga aktor. Nasabi din ni Direk Val na nakikita niya kay Joem ang nasirang Rudy Fernandez sa husay sa pagganap sa pelikulang ito mapadrama man o aksyon. Namangha ang director ng makita si Joem na lumuluha sa ilang mga eksena dahil madalang sa mga action star ang nakakagawa ng ganito.


Nasabi ni Joem Bascon sa presscon na ang kaibahan niya sa ibang mga action star ay ang kakayahan niya na lumuha at ipakita ang ganitong emosyon sa maaksyon na pelikula. Malaking bahagi sa paggawa ni Joem ng pelikulang ito ang paggabay sa kanya ng kanyang tinatawag na Tatay Val na si direk Val Iglesias, sa pagtuklas ng kanyang kakayahan na kung ano pa ang kanyang maaaring ipakita bilang aktor. Nabanggit din ng aktor na ang action drama ang genre na gusto niyang tahakin sa kanyang karera ngayun matapos magawa ang pelikulang ito.


Buo ang suporta ng mga cast and crew sa pelikula, mula sa mall show, premiere night hanggang sa presscon na ginanap noong May 25 2014 sa Fisher Mall, Quezon City. Kabilang na ang producer na si Brian Gonzalez na unang sabak pa lang sa pagproduce ng pelikula at walang takot na mamuhunan para sa isang action genre na pelikula. 


Antayabanan ang aking susunod na blog entry para sa movie review ng Ang Bagong Dugo. Ang Bagong Dugo ay mapapanood sa mga sinehan sa buong Pilipinas sa Hunyo 18, 2014.




CASTS
 






















IN CINEMAS JUNE 18, 2014 NATIONWIDE














No comments:

Post a Comment